Mga Paraan Upang Pabilisin ang Bumabagal na Android Phone


Mga Paraan Upang Pabilisin ang Bumabagal na Android Phone

Naiinis ka na ba dahil bumabagal na ang iyong Android Phone? At naiisipan mo nang bumili ng bago? Sandali lang! May mga madaling mga paraan pa upang muling maibalik ang bilis nito.


Mga Paraan Upang Pabilisin ang Bumabagal na Android Phone
imahe mula sa: pixabay.com


Tanggalin ang Hindi na Ginagamit na mga Aplikasyon


Ang pinakamadaling paraan upang mapabilis ang iyong Android Phone ay ang pagtanggal ng mga aplikasyon na hindi na ginagamit. Bakit nga ba nakakaapekto sa bilis ang sobrang mga aplikasyon? Ang mga aplikasyon ay kumakain in memorya at proseso sa iyong Android Phone. Sa madaling salita, mas mabilis na makakadaan ang isang sasakyan sa isang kalsadang wala masyadong iba pang sasakyan kumpara sa isang kalsadang maraming sasakyan.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > Piliin ang Apps (Applications) > Pumunta sa Downloads > Piliin ang App(s) na tatanggalin > Pindutin ang Uninstall. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng free-space sa memory ng Android Phone kung kaya'y mas mapapabilis ang proseso.


I-Update ang Software


Napapansin mo bang bumabagal ang Android phone mo sa iilang aplikasyon lamang? Halimbawa mabagal ang phone mo kapag ginagamit mo ang Facebook App pero okay naman kapag Game Applications subukan mong mag-update ng Operating System libre ito at walang bayad.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Settings > Piliin ang About Phone (Tablet) > Pindutin ang System Updates > I-Tap ang Check Now > Kapag mayroong Update na lumabas I-tap ang Restart & Install. 

Ang pag-u-update ay hindi lamang nakapagpapabilis kundi nakapagdadagdag pa ng mga features sa iyong phone. Maari ring i-update ang mga aplikasyon na iyong ginagamit. Pumunta sa Playstore > Hanapin ang Aplikasyon na gustong i-update > Tignan kung may update > Kung mayroong update i-tap ang update.



Burahin ang Cached Data


Ano ba ang cached data? Ang cached data ay mga panandaliang data na ginagamit ng mga aplikasyon upang mapabilis ang paglabas ng resulta base sa inilagay na data. Kung nakapagpapabilis pala ito bakit ko ito buburahin? Hindi lahat ng cached data ay nagagamit sa proseso madalas ay minsan lamang ito nagagamit kaya naman gaya ng sinabi kanina ang mga kagaya cached data ay naguokopa ng memory ng system kaya'y bumabagal ang Android phone.

Madalas ang mga internet browser application ang may pinakamalaking cached data. Upang burahin ito pumunta sa Settings > Piliin ang Device Manager > Sa Device Manager Piliin ang App na gusto mong tanggalan ng cached data > Kapag napili na ang App i-tap ang clear app data. Ulitin lamang ang prosesong ito sa iba pang aplikasyon


I-Root ang Android Phone


BABALA!!! Maaring masira ang iyong Android Phone sa prosesong ito! Maari rin mawala ang bisa ng warranty! Pero kung gusto mong i-customize ang Android Phone mo para sa mga gawain mo kasama na dito ang pagpapabilis ng iyong phone ang pagroroot ay mabisang proseso.

Ang mga benepisyo ng pagroroot ay:

  • - Pagtanggal ng mga pre-installed applications o mga aplikasyon na inilagay ng   manufacturer
  • - Makapagpapabilis ng sistema at nakakapagpapahaba ng buhay ng baterya
  • - Nakakapag-install ng mga apps na hindi rehistrado sa playstore
  • - I-customize ang phone base sa iyong pangangailangan
  • - Palitan ang ROM at maginstall ng custom ROM (palitan ang OS na ginagamit ng phone)


Iba't iba ang mga paraan upang maroot ang iyong Android Phone. At uulitin maaring masira nito ang iyong phone at hindi na maibalik sa dati ang mga ginagawa nito.





Sana ay nakatulong saiyo ang mga paraan na ito.

Kung nakatulong at nagustuhan mo ang post na ito i-Like at i-Share ito sa mga kakilala mo! Huwag kalimutang i-like at i-share ang blog na ito!

Mga Komento